^

Bansa

Kasabwat ni Garci kakasuhan!

- Butch M. Quejada, Joy Cantos, Danilo Garcia -
Kinumpirma ng binuong "Task Force Garci" ng Department of Justice (DOJ) na nagkaroon ng sabwatan para makalabas ng bansa si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kaya inirekomenda na nito kay Secretary Raul Gonzalez na sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot.

Sa 23-pahinang ulat ng Task Force, inirekomenda nito ang agarang pagsasampa ng kasong perjury sa mga opisyales ng Bureau of Immigration, Bureau of Customs, Bureau of Quarantine, Manila International Airport Authority at Air Transportation Office dahil sa pagkukutsabahan umano para makapuslit patungong Singapore si Garcillano.

Maaari umanong maparusahan ang mga opisyales ng naturang mga ahensiya ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Conduct and Ethical Standards.

Una nang inirekomenda ng Task Force ang pagsasampa ng kaso kay Capt. Arthur Santos, piloto ng Subic lear jet na siya umanong naghatid kay Garcillano sa Singapore.

Maaari rin umanong managot ang mga opisyales ng Subic International Air Charter Inc. dahil sa pagpapasakay kay Garcillano sa kabila ng kawalan ng sapat na travel documents.
Garci nasa Maynila na
Dumating kahapon sa Maynila si Garcillano lulan ng isang PAL flight mula Cotabato City makaraan ang 6 buwang pagtatago sa Mindanao. Nakasuot ito ng kulay brown na jacket at puting-tshirt.

Naging napakahigpit ng seguridad sa NAIA dahil na rin sa umano’y mga banta sa kanyang buhay. Kasama niyang dumating ang abogadong si Atty. Eddie Tamondong at ret. Gen. Bayani Fabic, Sgt.-at-Arms ng House of Representatives na sumundo sa dating komisyuner.

Sinalubong sila ni Gen. Edgardo Doromal, hepe ng Police Security and Protection Office (PSPO) at ilang pulis na nagsilbing mga security escort nito.

Tumagal lamang ng tatlong minuto ang inilagi ni Garcillano sa NAIA at kaagad na itong idiniretso patungong Camp Bagong Diwa kung saan siya mananatili.

Ito ang kauna-unahang pagharap ni Garcillano sa publiko makaraan magtago habang nasa kasagsagan ng "Hello Garci".

Haharap siya sa gagawing pagdinig ng Kamara sa Disyembre 7, pero hindi pupunta sa Senado sa kabila ng kahilingan ng mga senador dahil wala raw siyang natatanggap na imbitasyon mula dito.

Sinabi rin ni Atty. Tamondong na baka mapagod ang kanyang kliyente sa pagdalo sa imbestigasyon ng House sa Miyerkules at hindi na ito makapunta sa Senado sa Huwebes.

vuukle comment

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARTHUR SANTOS

BAYANI FABIC

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

GARCILLANO

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with