Rape victim ng GI Joes aatras
November 26, 2005 | 12:00am
May balak na umanong iatras ng 22-anyos na Pinay ang rape case laban sa anim na US Marines na nanggahasa umano sa kanya sa Subic noong Nobyembre 1.
Ibinunyag ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa press conference nito matapos ang closed-door meeting ng Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement (LOVFA) na nakatakda umanong maghain ng supplemental affidavit ang biktima sa mga susunod na araw na magpapahina umano sa kaso laban sa mga akusado.
"This inclination was transmitted by a lawyer who represents himself as a counsel for the private complainant," wika pa ni Sen. Santiago.
Nagbabala naman ang mambabatas na kapag bumaligtad ang rape victim ay maaari naman itong makasuhan ng perjury dahil sa kanyang pagsisinungaling.
Aniya, tinatapos na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang DNA test sa mga ebidensiyang nakuha sa crime scene at kung lalabas na talagang ginahasa ang Pinay ay isasampa ng NBI ang kaso laban sa babaligtad na biktima.
"If the NBI result shows that the woman was a victim of rape, then he will file a perjury case against her on the basis of her original affidavit," dagdag pa ni Santiago.
Kahit na magbago ng tono ang biktima, hindi pa rin umano maibabasura ang rape case laban sa anim na Kano kundi lalabnaw lamang ito, paliwanag pa ng dating trial court judge.
Aniya, maaari pa ring isulong ng gobyerno ang kasong ito sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa ibang testigo kung sakaling bumaligtad ang biktima at hindi na magkainteres na isulong ang kaso laban sa anim na sundalo. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest