^

Bansa

Asian Spirit plane sumadsad sa Samar

-
Inabot ng nerbiyos ang 37 pasahero ng Asian Spirit matapos sumadsad sa labas ng runway ang kanilang sinasakyang eroplano kahapon ng umaga sa Catarman airport sa Samar.

Ligtas naman ang lahat ng pasahero at crew ng British Aerospace (BAE-146) ng Asian Spirit flight 6K 587 na umalis ng Manila Domestic airport bandang alas-5:50 ng madaling araw patungong Samar.

Hindi umano nakontrol ng pilotong si Capt. Gomer Monreal ang mabilis ng takbo ng eroplano dahil sa tubig baha sa runway 06 kung kaya sumadsad at nasira ang landing gear sa unahan ng aircraft.

Nagawang imaniobra ni Monreal ang eroplano sa isang ligtas na lugar at naiwasan ang mas malubhang insidente.

Isang source naman sa Air Transportation Office (ATO) ang nagsabi na posibleng hindi muna paliparin ang katulad na modelo ng eroplano dahil na rin sa kalumaan nito hangga’t hindi natitiyak ang airworthiness ng mga ito.

Nagpadala naman agad ng 3 miyembro ng Aircraft Accident Investigation Board si ATO head executive assistant Col. Manuel Villegas sa Catarman airport upang mag-imbestiga sa nasabing insidente. (Butch Quejada)

vuukle comment

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AIRCRAFT ACCIDENT INVESTIGATION BOARD

ASIAN SPIRIT

BRITISH AEROSPACE

BUTCH QUEJADA

CATARMAN

GOMER MONREAL

MANILA DOMESTIC

MANUEL VILLEGAS

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with