^

Bansa

US suportado pa rin si GMA

-
Muling binigyang-diin ng pamahalaang Amerika ang patuloy nitong suporta sa liderato at panunungkulan ni Pangulong Arroyo.

Inihayag ito ni US Charge d’ Affaires Paul Jones nang magbigay galang siya sa Pangulo sa Malacañang sa una nilang pagkikita mula nang dumating siya sa bansa para gampanan ang kanyang puwesto.

Kasama ni Jones sa pagbisita sa Palasyo sina Henry Crumpton, ambassador at coordinator for counter terrorism, Paul O’ Firel, hepe ng political section ng US Embassy at Bruce Stewart, councelor for regional affairs.

Sa kanyang panig, pinuri ni Crumpton si Pangulong Arroyo sa aktibo nitong pagsusulong sa kampanya laban sa terorismo hindi lang sa bansa kundi sa buong rehiyon ng Southeast Asia.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang patuloy na suporta na ibinibigay ng US sa kanyang administrasyon at sa kanyang hakbanging ginagawa para malabanan ang terorismo.

Sinabi ng Presidente na isinusulong ng kanyang gobyerno ang pagpapatibay ng isang batas kontra sa terorismo at isa ito sa mga prayoridad na panukalang batas na sinertipikahan niya para mapagtibay ng Kongreso bukod sa mga repormang pangkabuhayan. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

AFFAIRES PAUL JONES

AMERIKA

BRUCE STEWART

CRUMPTON

HENRY CRUMPTON

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PAUL O

SOUTHEAST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with