Bong Pineda sinusuyo ng oposisyon vs GMA
August 8, 2005 | 12:00am
Nililigawan na umano ng kampo ng oposisyon ang suspected jueteng lord na si Rodolfo "Bong" Pineda upang tumestigo laban kay Pangulong Arroyo sa jueteng payola sa sandaling matuloy ang impeachment case.
Ayon sa source, ilang malalapit umano kay Sen. Panfilo Lacson ang nanunuyo kay Pineda upang tumayong witness at sabihin sa Senate hearing na mula noong kumandidato ang Pangulo sa pagiging senador ay tinulungan na niya ito sa campaign fund na mula sa jueteng. Pero sabi ng impormante, tumanggi raw si Pineda.
Dalawang Comelec officials na sina Gilbert Palogan ng Bulacan at Ferdinand Gerardo ng Pampanga ang nag-akusa sa pamamagitan ng kanilang affidavit na nilapitan din daw sila ng taong malapit kay Lacson na si ret. Gen. Julius Yarcia kasama ang isang Dante Tan at isa pang retiradong heneral ng PNP upang himuking patotohanan ang naging akusasyon ni Michaelangelo Zuce kapalit ng malaking halaga at US visas.
Sinabi pa nina Palogan at Gerardo sa kanilang affidavit na noong kausapin sila ni Yarcia ay namataan din nilang naroroon sa paligid si dating Defense Sec. Renato de Villa.
Ginagawa ng oposisyon ang pangangalap ng mga susunod na testigo matapos umatras ang sinasabing 2 witness ni Archbishop Oscar Cruz na sana ay ihaharap niya sa susunod na imbestigasyon ng Senado sa Miyerkules.
Ayon kay Cruz, ang isa ay natakot sa posibleng mangyari sa buhay ng kanyang pamilya sa sandaling maging testigo matapos makita sa telebisyon ang umatras na si Richard Garcia habang ang isa naman ay nangangambang magamit lamang sila sa pulitika.
Sinabi pa ng impormante na pinipilit pa rin ng oposisyon na makuha nila si dating Isabela Gov. Faustino Dy., Jr. na nasa Amerika ngayon. Nasa US umano ngayon sina dating Sen. Ernesto Maceda at Yarcia para kumbinsihin ang dating gobernador.
Nauna nang nagbigay ng pahayag si Dy na wala siyang binibigyan ng awtorisasyon na magsalita para sa kanya at handa raw niyang sabihin ang totoo sa proper forum pero hindi siya magpapagamit sa grupong ang isinusulong lamang ay pansariling interes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended