^

Bansa

Juday kinasuhan ang BIR

-
Personal na nagharap ng kasong kriminal ang aktres na si Judy Ann Santos sa Department of Justice (DoJ) laban kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Guillermo Parayno at sa limang examiners nito dahil sa pagkakamali sa komputasyon ng kanyang buwis.

Sa 16-pahinang counter-affidavit with counter charge na isinumite ni Santos, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Bonifacio Alentajan sa tanggapan ni State Prosecutor Olivia Lorrevillas, kinasuhan nito si Parayno at mga examiners ng BIR na sina Roderick Abad; Stimson Cureg; Vilma Caronan; Rhodora delos Reyes at Teodora Purino ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagkakamali umano ng mga ito sa pagkukuwenta ng ibinabayad nitong buwis noong taong 2002 na naging dahilan upang siya ay masampahan ng kasong tax evasion.

Iginiit ni Santos na napakalaki ng ginawang pagkakamali ng BIR dahil sumobra pa ng P1,095,403.11 ang ibinabayad niyang buwis sa gobyerno kung saan hindi na ito ibinalik ng BIR sa nasabing aktres.

Ipinaliwanag pa rin ng aktres na hindi man lamang siya napadalhan ng notice of assessment ng BIR upang siya ay abisuhan na mayroon siyang tax liability.

Magugunita na sa isinumiteng reklamo ng BIR laban kay Santos, tanging P8M lamang ang idineklara nitong kinita noong 2002 kumpara sa kabuuang P14M na taxable income nito.

Kung kaya’t lumalabas na P1.7M ang kabuuan ng tax liability nito mula sa P6M na hindi idineklara ng aktres. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BONIFACIO ALENTAJAN

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER GUILLERMO PARAYNO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUDY ANN SANTOS

RODERICK ABAD

STATE PROSECUTOR OLIVIA LORREVILLAS

STIMSON CUREG

TEODORA PURINO

VILMA CARONAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with