^

Bansa

Palasyo nagbawas ng opisina

-
Binuwag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Office of the Presidential Adviser for Jobs Generation at inilipat ang pangangasiwa ng kampanya para makalikha ng empleyo sa Presidential Management Staff.

Ang pagbuwag sa tanggapang dating pinamumunuan ni Secretary Cito Lorenzo ay nakapaloob sa Executive Order No. 408.

Ang Office for Presidential Adviser for Jobs Generation ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 333 may petsa Hulyo 19, 2004. Ang layon nito ay makalikha ng mula sa 6 milyon hanggang 10 milyong empleyo at paunlarin ang 2 milyong ektaryang lupain na saklaw ng agri-business.

Pero nagbitiw na sa puwesto si Lorenzo noong nakaraang Enero para bumalik sa pribadong sektor.

Sa kanyang kautusan ehekutibo na bumuwag sa OPAJG, sinabi ng Pangulo na sa halip na humirang ng makakapalit ng dating pinuno ng binuwag na opisina, makabubuting ilipat na lang ang gawain nito sa PMS alinsunod na rin sa patakaran ng pagtitipid ng gobyerno. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG OFFICE

BINUWAG

EXECUTIVE ORDER NO

JOBS GENERATION

LILIA TOLENTINO

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

SECRETARY CITO LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with