^

Bansa

FVR muling dinurog ni Sen. Mirriam

-
Muling hinagupit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang privilege speech si dating Pangulong Fidel V. Ramos dahil sa pagpabor umano nito sa isang kontratista na kanyang kinakapatid na nakakuha sa rehabilitasyon sa Binga Hydroelectric plant sa Itogon, Benguet.

Inakusahan ni Santiago, chairman ng Senate committee on energy, na lumabag si Ramos sa anti-graft at anti-plunder laws ng bansa nang paboran nito si Catalino Tan na kanyang kinakapatid upang makuha ang P3.2 bilyong kontrata noong 1993 sa naturang proyekto.

Sa kanyang 12-pahinang privilege speech, sinabi ni Santiago na tumanggap si Tan ng P1.5 bilyon kahit na hindi naman nito naisaayos ang planta.

Wala naman aniyang alam si Tan sa pag-ayos ng planta dahil ang negosyo nito ay ang pagiging supplier ng mga bota sa militar, garments, manufacturer at producer ng canned goods na may opisina sa Lakas Tao Bldg. sa Estraude St., Binondo, Manila.

Ninong umano ni Tan si Narciso Ramos, ang ama ng dating Pangulo at isa ito sa mga contributor kay Ramos at sa mga proyekto ng anak nitong si Jo.

Bukod sa dating Pangulo, idinawit ni Santiago sina dating Napocor pres. Guido Delgado, dating chairman ng SEC appointed committee Anthony Escolar at ret. Brig. Gen. Mariano Espina, na naging VP for operations ni Tan noong 1995-1997. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANTHONY ESCOLAR

BINGA HYDROELECTRIC

CATALINO TAN

ESTRAUDE ST.

GUIDO DELGADO

LAKAS TAO BLDG

MARIANO ESPINA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NARCISO RAMOS

PANGULO

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with