FPJ handang mag-concede 'pag natalo
May 9, 2004 | 12:00am
Nakahanda si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. na mag-concede sakaling hindi siya ang manalong presidente sa gaganaping eleksiyon bukas.
Sinabi ni FPJ sa isang ambush interview ng mga mamamahayag na igagalang niya anuman ang maging resulta ng eleksiyon bukas kung ito ang magiging tinig ng sambayanan.
Nanawagan din si FPJ sa taumbayan na igalang ang anumang magiging resulta ng halalan at suportahan kung sinuman ang lumabas na nagwaging pangulo.
"I am calling on the people to unite behind the elected president," wika ni Da King kasabay ang pasasalamat sa kanyang mga political leaders at supporters mula sa ibat ibang sektor na tumulong at naniwala sa kanyang kakayahan para tumakbong pangulo.
Itinanggi din ni FPJ sa interview na may balak maghasik ng kaguluhan ang oposisyon sa sandaling matalo ito sa eleksiyon bukas.
Aniya, walang resources at kakayahan ang oposisyon para isagawa ang iniisip ng administrasyon na kaguluhan at dapat nilang isipin na nasa kanila ang armas, kontrol sa sundalo at pulisya.
Gayunman, positibo pa rin si FPJ na mananalo siya sa halalan bukas. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended