^

Bansa

FPJ binantaan ng Kuratong Baleleng ?

-
DIPOLOG CITY - Hindi nagpunta si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. sa campaign rally nito sa Ozamis City kahapon ng umaga matapos ibunyag ng isang supporter nito na may tangkang pasabugin ng Kuratong Baleleng ang kanyang stage.

Napilitan ang security at operations groups ni FPJ na kanselahin ang rali nito kahapon ng tanghali matapos ibunyag ng isang supporter ni Da King na kakampi umano ni Mayor Renato Parojinog na siya ang inatasang manggulo sa rali at pasabugin ang stage.

May namumuong gulo sa pagitan nina incumbent Mayor Parojinog, kaanak ng Parojinog na minsang naugnay sa Kuratong Baleleng, at PDP-Laban mayoral bet Ben Fuentes, kung sino sa kanila ang dapat maging opisyal na kandidato ng KNP at dapat itaas ang kamay ni FPJ sa nakatakdang rali.

Ayon sa source, pasasabugin umano ang campaign rally sa Ozamis City dahil si Fuentes ang napiling oisyal na kandidato ng KNP kaysa kay Parojinog.

Sa natanggap na text message nakasaad na "supporter po ako ni FPJ at tagaloob ako, nakonsensiya ako kaya sasabihin ko sa inyo na grupo ng Kuratong Baleleng ang mambobomba sa rali ninyo ngayon to kill my idol kasabwat ang mga pulis na naka-assign sa inyo. Please act fast kasi mga tuta ni GMA ‘yong mayor at military."

Dahil dito, napilitan si FPJ na huwag nang ituloy ang campaign rally bagkus ay nagtuloy na lamang ito sa Dipolog City pagkagaling sa Pagadian City.

Kinumpirma naman ni Sen. Gringo Honasan, chief ng security group ni FPJ, na may ganitong banta kaya napilitang kanselahin ang nasabing rali sa Ozamis City para na rin sa kaligtasan ni FPJ at buong tiket ng KNP.

Nabigo namang makunan ng kanyang panig si Parojinog. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BEN FUENTES

DA KING

DIPOLOG CITY

FERNANDO POE

GRINGO HONASAN

KURATONG BALELENG

MAYOR PAROJINOG

MAYOR RENATO PAROJINOG

OZAMIS CITY

PAROJINOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with