^

Bansa

Disqualification vs GMA ibinasura ng Comelec

-
Ibinasura na rin kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang kasong disqualification na inihain ng Asosasyon ng Komentarista at Announcer ng Pilipinas (AKAP) laban kay Pangulong Arroyo.

Sa desisyong ipinalabas ng Comelec 2nd Division, ibinasura nito ang disqualification case na isinampa ni Melchor Chavez, miyembro ng AKAP na humiling na ikansela ng komisyon ang Certificate of Candidacy (COC) ni Arroyo.

Sinabi sa desisyon na walang merito ang iginigiit ni Chavez na kanselahin ang kandidatura ni Arroyo nang dahil lamang sa hindi umano awtorisado ang nagsagawa ng notaryo ng COC ni Arroyo dahil isang piskal lamang.

Samantala, nagpasaring naman ang abogado ni Pang. Arroyo na si Atty. Alberto Agra laban kay Chavez sa pagsasabing mas may karapatan ang isang piskal kaysa isang notary public upang mag-notaryo ng papeles.

Hindi aniya dapat seryosohin ang petisyon na isinampa lamang ng nuisance candidate at ng nuisance lawyer. Tinutukoy dito sina Chavez at Atty. Elly Pamatong na mga petisyuner.

Bunsod ng pagbasura, nagbanta si Chavez na kaya umano nitong ipa-likida sa NPA ang mga matataas na opisyal ng komisyon.

Kahit nadismaya, plano rin ni Chavez na maghain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc upang i-apela ang desisyon ng 2nd Division. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALBERTO AGRA

ASOSASYON

BUNSOD

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CHAVEZ

COMELEC

ELLEN FERNANDO

ELLY PAMATONG

MELCHOR CHAVEZ

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with