^

Bansa

Anak sa ex-wife ni Kabayan: 'Inay,patahimikin mo na ako'

-
Hindi mapigilan ni Manueli de Castro, anak ni K4 vice presidentiable Noli de Castro kay Patricia ‘Magelan’ Toralba, ang kanyang pagluha matapos nitong malaman na ipinagpalit ng kanyang ina ang kanyang kapakanan sa ngalan ng pulitika at pera.

Sinabi ni Manueli na napakasakit para sa kanya ang malaman na ang patuloy na panggugulo sa kanyang pamilya ay bahagi ng isang demolition job para pabagsakin ang kandidatura ng kanyang ama.

"Tigilan mo na ako. Tigilan mo na kami. Masaya na ang buhay namin," pakiusap ni Manueli sa inang si Toralba.

Nauna rito, kinondena ng May Pag-asa ang Kababaihan (MPK), isang women’s group, ang pagpapagamit ni Toralba sa mga kalaban ni de Castro sa pulitika matapos maibulgar na nasuhulan ang dating asawa ng senador para siraan ito.

Sinabi ni MPK president Louie Dayrit na isang paglapastangan sa imahe ng kababaihan at labag sa moralidad ng sambayanang Pilipino ang pagpapagamit ni Toralba sa mga maruruming pulitiko.

Napag-alaman mula sa kampo ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na tumanggap si Toralba ng kalahating milyon upang makilahok sa demolition job laban kay de Castro.

Ang paglahok ni Toralba sa pulitika ay senyales na kumambiyo na ang mga desperadong kalaban ni de Castro sa pinakamataas na antas ng ‘mudslinging’.

Matapos lumantad sa isang KNP campaign rally sa Tagbiliran, Bohol kung saan ipinagsigawan ni Toralba na pabayang ama si de Castro, ipinagkakalat naman ngayon ni Magelan na isang abortionist ang senador.

Nakiusap si de Castro sa kanyang mga kalaban na dalhin na lamang ang laban sa ‘proper arena’ at pag-usapan ang kani-kanilang plataporma.

"Kung hindi nila maiwasan na siraan ako, sana naman ay huwag na lang nilang idamay ang pamilya ko," sabi pa ni de Castro. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

CASTRO

LILIA TOLENTINO

LOUIE DAYRIT

MAGELAN

MANUELI

MAY PAG

NAGKAKAISANG PILIPINO

SINABI

TIGILAN

TORALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with