^

Bansa

Philip Salvador pinagpapaliwanag ng DOJ

-
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang actor na si Philip Salvador na magpaliwanag hinggil sa kasong P15-milyong estafa na inihain ng kanyang dating live-in partner na si Cristina Castillo-Decena.

Sa ipinadalang subpoena kay Salvador na inisyu ni Senior State Prosecutor Susan Dacanay, iniutos na magpakita at dumalo ang aktor kasama ang kanyang kapatid na si Ramon sa itinakdang preliminary investigation sa nasabing kaso sa Marso 22, 2004 at ibigay ang kanilang panig hinggil sa akusasyon ni Decena.

Si Philip ay inireklamo ni Decena matapos na hindi maibalik nito ang P15 milyon na pinautang umano nito sa aktor na siyang ginamit sa pangangampanya noong ito ay tumakbo bilang mayor ng Mandaluyong.

Si Salvador ay nasa Amerika ngayon kasama ang pinakasalang asawa na si Emma Karen Ledesma na umano’y ex-wife ng isang nagngangalang Gen. Camiling ng AFP.

Nabatid na si Philip ay ikatlong asawa na ni Ledesma.

Ayon kay Decena, handa siyang habulin si Philip kahit saang korte mabalik lamang sa kanya ang naturang halaga.

Kasama din kinasuhan ni Decena, ang kapatid ng aktor na si Ramon dahil sa kasama din ito sa mga naging transaksiyon ni Philip kay Castillo.

Gayundin, ipapaharang ni Decena sa embahada ng Amerika ang aplikasyon ni Philip para sa naturalization nito.

Si Ledesma ay isa na ngayong US citizen kaya maaari na rin maging green card holder ang nasabing aktor subalit ito ay pipilitin namang pigilan ni Decena. (Ulat ni Grace dela Cruz/Ellen Fernando)

vuukle comment

AMERIKA

CRISTINA CASTILLO-DECENA

DECENA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

EMMA KAREN LEDESMA

PHILIP SALVADOR

SENIOR STATE PROSECUTOR SUSAN DACANAY

SI LEDESMA

SI PHILIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with