^

Bansa

Patutsada ng Bulacan gob,wa epek kay Obet

-
Walang plano si Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan na patulan ang umano’y mga patutsada ni Bulacan Governor Josie dela Cruz sa kabila ng mga masasakit na salita nito laban sa kanya.

Ayon kay Pagdanganan, magiging masamang halimbawa sa mata ng kanyang mga kababayan kung papatulan niya ang mga pasaring ni dela Cruz.

Mas binibigyan niya ng halaga at atensiyon ang kanyang mga problemang pang-agraryo upang malaman ang mga pangangailangan ng mga magsasaka.

Nalulungkot lamang siya dahil pati ang kanyang anak na si Raymond Pagdanganan na tumatakbo bilang bise gobernador ay nadadamay sa pamumulitika ni dela Cruz.

Aniya, nagbanta pa umano si dela Cruz na magre-resign sakaling manalo si Raymond sa eleksiyon.

Iginiit ng kalihim na hindi dapat na nagpapaimpluwensiya sa takbo ng pulitika at personal na galit si dela Cruz upang sirain lamang ang ibang kandidato. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AGRARIAN REFORM SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

ANIYA

AYON

BULACAN GOVERNOR JOSIE

CRUZ

DORIS FRANCHE

IGINIIT

NALULUNGKOT

RAYMOND PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with