^

Bansa

3Gs iiral 'pag di natuloy ang automation

-
Inihayag kahapon ng iba’t ibang sector at party-list sa bansa na muling mangyayari ang laganap na pandaraya sa halalan at muling pag-iral ng Guns, Goons and Gold (3Gs) kapag hindi naipatupad ang computerized election.

Ang grupo ng Mamamayang Kabalikat sa Bansa (MakaBansa) at partylist na Alyansa ng Sambayanan Para sa Pagbabago (SAP) ay nagsagawa kahapon ng kilos protesta na sinimulan sa Plaza Lawton patungo sa Comelec sa Intramuros, Maynila subalit agad na hinarang ng mga tauhan ng WPD ang dalawang malaking grupo kaya sa harap na lamang ng Bureau of Immigration sila nakapagdaos ng programa.

Ayon kina Cyril Manaog ng MakaBansa at Rolando Marcelo ng ASAP, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila hanggat hindi pinapakinggan ang kanilang kahilingan para sa pagpapatupad sa "automation law."

Maging sa Palasyo ng Malacañang at Korte Suprema ay handang lumusob ang mga ito para kalampagin ang lahat ng opisyal at mahistrado at igiit ang kahalagahan ng computerized elections.

Nanawagan ang grupo kay Chairman Benjamin Abalos na ipakita nito ang kanyang "guts and balls" para manindigan at ipaglaban ang automation law. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CYRIL MANAOG

ELLEN FERNANDO

GOONS AND GOLD

KORTE SUPREMA

MAMAMAYANG KABALIKAT

METRO MANILA

PLAZA LAWTON

ROLANDO MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with