^

Bansa

Anti-'manu-mano' lulusob sa Comelec

-
Nakatakdang lumusob ngayong araw ang libu-libong miyembro ng labor sector, Party-list at militanteng grupo upang maglunsad ng kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa computerized election sa bansa.

Ang rally ng pro-automated election ay pangungunahan ng grupo ng Mamamayang Kabalikat ng Bansa (Makabansa), Party-list group na Alyansa ng Sambayanan para sa Pagbabago (ASAP) at iba pang grupo na magsisimula dakong alas-9:30 ng umaga sa harap ng Banco Filipino sa Gen. Luna St., Intramuros.

Ayon kay Cyril Manaog, tagapagsalita ng Makabansa, magkakaroon umano ng malawakang dayaan sa halalan sa Mayo 10, 2004 election.

Sinabi naman ni Rolando Marcelo ng ASAP na magkakaroon sila ng "symbolic representation" hinggil sa kung ano ang mangyayari kapag bumalik ang bansa sa mano-manong halalan.

"Huwag na nating hayaang bumalik pa sa mapanupil na "Guns, Goons and Gold" (3-G’s) ang ating election," ani Marcelo.

Tiniyak naman ng grupo na hindi sila maghahasik ng kaguluhan sa kanilang paglulunsad ng rally. Mapayapa rin anilang iiwan ang Comelec, kapag natapos na ang kanilang programa at naiparating na sa kinauukulan ang kanilang hinaing. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BANCO FILIPINO

COMELEC

CYRIL MANAOG

ELLEN FERNANDO

GOONS AND GOLD

INTRAMUROS

LUNA ST.

MAKABANSA

MAMAMAYANG KABALIKAT

ROLANDO MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with