FPJ pinagtripang pintasan ni FVR
December 14, 2003 | 12:00am
Binatikos ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP), isa sa mga partidong kasapi ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), si dating Pangulong Fidel Ramos sa tinatawag nitong mapanghusgang mga pahayag kontra kay Fernando Poe Jr.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Ramos na kailangan ng mas mahusay na pangulo ang bansa at hindi ito si FPJ.
Sinabi pa niyang maging ang mga batang botante ay dapat matuto sa mga malulungkot na karanasan ng Pilipinas lalo na sa ilalim ng isang dating artista na naging presidente.
Ayon naman kay PMP spokesman Jesus Crispin Remulla, mapanghusga ang mga pahayag ni FVR dahil hindi pa naman inihahayag ni FPJ ang magiging plataporma pang-gobyerno nito.
"Mawalang galang na kay dating Pangulong Ramos, pero hindi siya ang dapat maghusga kung dapat o hindi maging pangulo ang isang tao. Maaaring mas may pinag-aralan siya pero ang gobyerno rin niya ang nagbigay-daan para tumindi ang hirap na dinaranas ng ating mamamayan," sabi ni Remulla.
Binansangan nitong "ama ng PPA" si FVR dahil bumulusok umano ang singil sa elektrisidad sa ilalim ng administrasyon nito matapos pumirma ng 28 kontrata ang mga independent power producers (IPPs).
"Maaari siyang mamintas hanggang gusto niya pero hindi niya maipagkakaila na ang kanyang mali-maling programa para sa enerhiya ang dahilan kung bakit naghihirap pa rin ang mamamayan sa kababayad ng mataas na singil sa kuryente.
"Yan din ang dahilan kung bakit ang singil ng elektrisidad sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas na rates sa buong mundo," sabi pa ni Remulla. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest