Sen.Biazon kumalas sa LDP
November 28, 2003 | 12:00am
Kumalas kahapon sa Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) si Sen. Rodolfo Biazon dahil sa nagaganap na krisis sa loob ng partido.
Sinabi ni Sen. Biazon, naghain na siya ng indefinite leave kay LDP president Sen. Edgardo Angara dahil sa pagkadismaya nito sa nagaganap na krisis sa kanilang grupo.
Ang tinutukoy ng mambabatas na krisis sa LDP ay ang posibleng pagkakaroon ng dalawang presidential candidate sa katauhan nina Sen. Panfilo Lacson at action king Fernando Poe Jr.
Magugunita na nagpahayag ng kanyang kandidatura sa pagka-presidente si FPJ kamakalawa sa Manila Hotel habang desidido naman si Sen. Lacson na ituloy ang kanyang presidential ambition kapag hindi napiling standard bearer ng LDP.
Wika pa ni Biazon, magbabalik lamang siya sa LDP kung ang tatakbong presidente sa ilalim ng kanilang partido ay si Sen. Angara o businessman Danding Cojuangco.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas, nakahanda naman siyang maging guest candidate sa ibang partido kung ang kanyang isinusulong na limang advocacy ay nakapaloob sa plataporma nito.
"I am unhappy with the situation within the LDP, the situation of confusion in the party," wika ni Biazon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest