^

Bansa

Ping may 'alam' sa death threats sa SC justices

-
Kaduda-duda umano ang agarang reaksiyon na ginawa ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa pagbibigay ng bulaklak ng patay kay SC Justice Romeo Callejo, mahistrado ng Korte Suprema na gumawa ng desisyon kaugnay sa kontrobersiyal na kasong summary execution sa 11 kasapi ng Kuratong Baleleng gang.

Ayon kay Atorni Arno Sanidad, abugado ng mga biktima, nakapagtataka ang madaliang pagbibigay ng reaksiyon ni Lacson sa nasabing balita.

Aniya, posible umanong alam na ni Lacson, pangunahing akusado sa kaso, ang magaganap kay Justice Callejo kaya kaagad itong nagpalabas ng press release sa mga mamamahayag sa Senado.

Naniniwala pa ang human rights lawyer na tanging ang mga akusado lamang sa kaso ang maglalakas-loob na magsagawa umano ng mga pananakot sa mga mahistrado.

Kinondena rin nito ang ginagawang pananakot sa mga mahistrado ng Korte Suprema upang mapigilan ang mga hukom na magpalabas ng desisyon kaugnay sa kaso.

Ani Sanidad, malinaw na panunupil para sa mga karapatan ng mga mahistrado ang ginagawang pananakot sa mga ito.

Hinikayat din nito ang mga mahistrado na huwag magpapadala sa iba’t ibang uri ng pananakot at intimidasyon upang mapigilan sila na maglabas ng isang patas na desisyon kaugnay sa anumang usaping nakabinbin sa kanilang sala.

Matatandaang bumulaga sa tahanan ni Callejo sa BF Homes sa Bgy. Holy Spirit ang isang korona ng patay na may karatulang nakasaad na "Condolence to Justice Callejo."

Si Callejo ang gumawa ng desisyon ng SC na nag-aatas sa QC Regional Trial Court na agarang magsagawa ng paglilitis sa kaso ng Kuratong Baleleng.

Agad naman naghain ng motion for reconsideration si Lacson, dating hepe ng Task Force Habagat, isang unit sa ilalim ng Presidential Anti-Crime Commission na siyang umaresto at responsable umano sa pagkakapaslang ng mga kasapi ng Baleleng.

Sakaling ibasura ng SC ang mosyon ni Lacson, nahaharap ang senador sa isang pag-aresto. (Ulat ni Rudy Andal)

ANI SANIDAD

ATORNI ARNO SANIDAD

HOLY SPIRIT

JUSTICE CALLEJO

JUSTICE ROMEO CALLEJO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

PRESIDENTIAL ANTI-CRIME COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with