^

Bansa

Puganteng ASG bomb expert, MILF leader todas

-
Napatay ang isa sa dalawang bomb expert ng Abu Sayyaf na kasama ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi na tumakas sa Camp Crame, at isa pang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos na tangkaing agawin ang armas ng mga umaresto sa mga itong sundalo, kahapon ng umaga sa isang liblib na lugar sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Sur.

Si Abdulmukin Edris, may patong sa ulo na P3 milyon, ay napaslang dakong alas-4 ng hapon kasama si MILF commander Mamud Esmael, deputy commander ni Kumander Latip na aktibong nag-ooperate sa naturang lalawigan.

Base sa report ng tanggapan ni Army’s 4th Infantry Division Chief Major Gen. Cristolito Balaoing, sina Edris at Esmael ay patungo umano sa hideout ni Al-Ghozi ng madakip sa checkpoint ng mga elemento ng Task Group Charlie sa ilalim ng pamumuno ni Capt. Cristobal Julian Paolo Perez sa Bgy. Banga-an, Sultan Naga Dimaporo.

Habang inieskortan ng militar ang dalawang suspek ay tinangka umanong agawin ng mga ito ang armas ng kanilang mga escort kaya napilitan ang mga sundalo na sila’y pagbabarilin.

Positibong kinilala si Edris ng mga residente ng Basilan.

Magugunita na si Edris ay nadakip ng militar noong Mayo 6 ng taong ito sa Basilan at tumakas sa detention cell ng PNP-Intelligence Group sa Camp Crame nitong Hulyo 14 kasama ang isa pang bomb expert ng Sayyaf na si Omar Opik Lasal alyas Merang Abante.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operations kina Al-Ghozi at Abante na pinaniniwalaang narito pa sa bansa. (Ulat ni Joy cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

BASILAN

CAMP CRAME

CRISTOBAL JULIAN PAOLO PEREZ

CRISTOLITO BALAOING

EDRIS

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

INFANTRY DIVISION CHIEF MAJOR GEN

SULTAN NAGA DIMAPORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with