^

Bansa

Kampanya ni Lacson sinimulan na

-
Nagsimula nang mangampanya si Senador Panfilo Lacson para sa presidential ambition nito sa darating na 2004 elections matapos niyang dalawin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia.

Inamin ng kampo ni Lacson na kumukuha na ng suporta ang mambabatas mula sa mga OFWs para makakalap na ito ng boto mula sa mga Absentee Voters na nasa Saudi Arabia.

Nagtungo ang Senador kasama ang mga Kongresistang sina Butz Aquino at Didagen Dilangalen sa KSA at pinulong nito ang mga OFWs kasama ang mga pinalayas na domestic helpers na lumayas sa kanilang mga malulupit na employer mula sa Damman at Al Khobar sa Embahada ng Pilipinas.

Sinabi ni Lacson na nagtungo siya sa KSA upang tuparin ang pangako nito sa mga OFWs na magkaloob ng halagang P5 milyong mula sa kanyang CDF fund para sa "Barya Mo, Buhay Ko" program ng Bahay Kalinga.

Hindi naman naibigay ni Lacson ng buo ang kanyang pangako at P2 milyon lamang dahil sa kawalan umano ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM). Isusunod na lamang aniya ang karagdagang P3 milyon kapag may pondo na ang DBM. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABSENTEE VOTERS

AL KHOBAR

BAHAY KALINGA

BARYA MO

BUHAY KO

BUTZ AQUINO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DIDAGEN DILANGALEN

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with