Pari hindi puwedeng mag-asawa - Pope
July 1, 2003 | 12:00am
Sinuportahan ni Pangulong Arroyo ang naging paninindigan ni Pope John Paul II na panatilihin ang umiiral na patakaran ng simbahang Katoliko ukol sa hindi pag-aasawa ng mga pari.
Ayon sa Pangulo, ang Santo Papa ang siyang may pinal na desisyon sa isyung ito kaya dapat lang suportahan ito ng mga miyembro ng relihiyong Katoliko.
Ang desisyon ng Papa ay pinalabas bunga ng panawagan ng mga Pari sa Europa at Pilipinas na palitan na ang patakarang hindi pag-aasawa ng mga alagad ng simbahan bunsod ng mga iskandalo sa sex na kinasasangkutan ng ilang pari.
Sa ipinalabas na pahayag ng Santo Papa sinabi niyang ang pananatiling walang asawa ng mga pari ang siyang ibayong nakapagpapatingkad sa mataas na pagpapahalaga sa simbahan at nararapat lamang na ipatupad ng mga pari.
"Celibacy is a sign of the priests undivided love for God and for his people," anang Papa at ang pagpapahintulot na makapag-asawa ang mga pari anya ay hindi siyang tugon para malutas ang problema ng pagtukso ng mga pari na labagin ang patakarang ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended