^

Bansa

Tig-P120,000 insurance sa 3 OFWs sa Riyadh bombing

-
Personal na ibinigay ni Pangulong Arroyo ang tig-P120,000 insurance sa bawat naulilang pamilya ng tatlong manggagawang Pinoy na nasawi sa naganap na pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia kamakailan.

Nagtungo ang Pangulo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makiramay sa mga pamilya nina Rogelio Pababero, Serafin Hernandez at Getulio Templo at ipagkaloob ang benepisyo ng mga ito.

Sinabi rin ng Pangulo na ang mga anak ng namatay na OFWs ay puwedeng bigyan ng scholarship at livelihood training.

Siniguro naman ni OWWA chief Virgilio Angelo sa mga pamilya ng mga nasawi na maiuuwi ang mga labi ng mga biktima sa mga susunod na linggo dahil kasalukuyang isinasailalim sa proseso ang repatriation ng mga ito para madala na sa kani-kanilang mga lalawigan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Overseas Labor Officials sa employers ng tatlong biktima para mapadali ang paglalabas ng kanilang monetary claims kabilang ang unpaid salaries ng mga ito at iba pang benepisyong dapat nilang matanggap. (Ulat nina Lilia Tolentino/Jhay Mejias)

vuukle comment

GETULIO TEMPLO

JHAY MEJIAS

LILIA TOLENTINO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICIALS

ROGELIO PABABERO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with