^

Bansa

US chopper plane pinabagsak ng Iraqis: 7 Kano natodas

-
Habang papalapit ng papalapit ang coalition forces, 25 kilometro ang layo mula sa Baghdad, ay patindi naman ng patindi ang labanan kung saan sa kasagsagan ng bomba ay isang Blackhawk helicopter ang pinabagsak ng Iraqis. Sa 11 sundalong Kano na sakay nito, 7 ang patay at isa ang sugatan.

Doble malas ang inabot ng US-led forces nang isa pang Navy Hornet fighter jet ang tinira din ng surface-to-air missile ng Iraq. Hindi pa alam ang lokasyon ng piloto nito.

Ito ang ikatlong aircraft ng US na pinabagsak ng Iraq. Ang una ay ang Apache helicopter.

Kasabay nito, isang Iranian cameraman ang iniulat ng Central Command na nasawi matapos aksidenteng matapakan ang isang landmine habang kumukuha ng video footage.

Nakubkob naman ng US allied troops ang isang gusali na may torture chamber at interrogation room na hinihinalang ginagamit ni Iraqi Pres. Saddam Hussein sa pagtorture sa mga bihag. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BLACKHAWK

CENTRAL COMMAND

ELLEN FERNANDO

HABANG

IRAQI PRES

KANO

KASABAY

NAVY HORNET

SADDAM HUSSEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with