^

Bansa

Pinoy mas may time mag-text kaysa magbasa ng libro

-
Umaabot lamang sa 3% ng populasyon sa bansa ang mahilig magbasa ng makabuluhang mga aklat dahil mas pinagtutuunan pa ng mga ito ng pansin ang pagte-text para magpalipas ng oras.

Ito ang inamin kahapon ni Dr. Dennis Gonzales, chairman ng National Book Development Board (NBDB) sa isang ambush interview matapos nilang lagdaan ni Department of Education (DepEd) Secretary Edilberto de Jesus ang isang memorandum of agreement na naglalayong matugunan ang kakulangan ng mga textbooks at instruction materials sa mga paaralan partikular na sa mga rehiyon.

Ayon kay Gonzales, nakakalungkot isipin na mas pinahahalagahan pa ng mga Pilipino ang pagte-text partikular ng mga love notes kaysa magbasa ng aklat para lumawak ang kaalaman sa mga panahong nagpapalipas ang mga ito ng oras.

Aniya, sa ibang bansa lalo na sa mga istasyon ng tren o bus terminals sa Europa ay pagbabasa ng aklat ang libangan ng mga ito kahit sandali lamang di tulad ng mga Pinoy na sobra ang pagkahumaling sa text messaging kahit nagkakandarapa na sa paglalakad.

Sinabi ni Gonzales na isa sa mga nakikita nilang dahilan hinggil dito ay sanhi ng wala sa kultura ng mga Pilipino ang pagkamahiligin sa aklat gayundin dahil may kamahalan ang mga ito sa bookstore.

Kundi naman umano text ay movies ang pinagkakaabalahan ng mga Pinoy. Sa halip na aklat ay mga pahayagan at magazine naman ang binabasa ng mga ito.

Base pa rin sa survey ay 42% ng mga Pinoy ang mga texters at maliit na porsiyento lamang ang ibig magbasa ng libro.

Samantalang kung nagbabasa naman umano ng mga aklat ang mga Pinoy lalo na ang mga babae ay mga pocketbooks hinggil sa romansa ang nakakahiligan ng mga ito.

Kaugnay nito, gagawa ng hakbang ang NBDB upang makatulong sa DepEd para hikayatin ang mga publishers na maglimbag ng mga aklat na abot kaya ang halaga pero makabuluhan nang sa gayon ay maingat naman ang industriya ng aklat. (Ulat ni Joy Cantos)

AKLAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. DENNIS GONZALES

GONZALES

JOY CANTOS

NATIONAL BOOK DEVELOPMENT BOARD

PILIPINO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with