^

Bansa

6 pinatay, 22 dinukot ng NPA

-
ZAMBOANGA - Anim katao ang pinatay at 22 iba pa ang dinukot sa isang sorpresang pagsalakay na isinagawa ng tinatayang 50 armadong rebeldeng NPA sa Barangay Binicalan, San Luis Agusan del Sur noong nakaraang Biyernes.

Sa pahayag ni Major Johnny Macanas, spokesman ng Army division sa report mula sa Caraga Police, umatake ang mga rebelde dakong alas-7:30 ng umaga. Pinaulanan ng bala ang mga bahay at pagkatapos ay niransak. Lima sa napatay ay mga residente.

Bago nagsitakas ay sinunog ng mga rebelde ang mga kabahayan saka tinangay ang 22 katao at mga hayop.

Sa kanilang pagtakas, isang Cafgu ang nadaanan nilang naglalakad at kanila ring pinagbabaril at napatay.

Samantala, apat sa 22 bihag ang nakatakas at siyang nagreport sa pulisya tungkol sa naturang pag-atake.

Nabatid sa report na kabilang sa pinatay ay apat na magkakapatid na lalaki at karamihan sa mga binihag ay dating NPA rebels na nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Ipinapalagay na ang pagsalakay ay ganti ng NPA sa pagsuko ng kanilang mga dating kasamahan. Demoralisado na umano ang hanay ng mga rebelde dahil sa uunti-unting pagkaubos ng kanilang mga kasapi.

Inutusan na ni Mindanao military commander Lt. Gen. Narciso Abaya na tugisin ang mga rebelde at iligtas ang mga hostages. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

BARANGAY BINICALAN

BEN SERRANO

BIYERNES

CAFGU

CARAGA POLICE

DEMORALISADO

MAJOR JOHNNY MACANAS

NARCISO ABAYA

SAN LUIS AGUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with