^

Bansa

'Tried and Tested formula' gamitin sa kinidnap na 4 teachers - Biazon

-
Hinamon kahapon ni Senador Rodolfo Biazon ang pamahalaang Arroyo na gamitin nito ang ipinagmamalaking "tried and tested formula" sa pagliligtas sa mga guro ng Mindanao State University (MSU) na dinukot kamakailan.

Sinabi ni Sen. Biazon, vice chairman ng Senate committee on national defense and security na dito malalaman ng publiko na epektibo ang ginamit na formula ng gobyerno ng iligtas nito ang dalawang anak ni Negros Occidental Rep. Jules Ledesma.

Ayon kay Biazon, dapat patunayan nina Pangulong Arroyo at PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane na epektib ang kanilang formula upang mapalaya ang nagiging bihag ng mga kidnapper sa pamamagitan ng kanilang ipinagmamalaking "TnT formula."

"Dito nila gamitin ang tried and tested formula na ipinagmamalaki ng gobyerno sa pamamagitan ng pagliligtas sa mga dinukot na guro ng MSU na ngayon ay nasa kamay pa rin ng kanilang abductors sa Mindanao," wika ni Biazon.

Magugunita na lumiham ang mga gurong dinukot kay Pangulong Arroyo at nagmamakaawang sagipin sila sa kamay ng mga kidnapper nito na nasa Mindanao subalit iniutos ni GMA sa militar na mahigpit na ipatupad ang "no ransom policy" ng gobyerno kasabay ang pag-uutos na magsagawa ng military operations para iligtas ang mga guro. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BIAZON

HERMOGENES EBDANE

JULES LEDESMA

MINDANAO

MINDANAO STATE UNIVERSITY

NEGROS OCCIDENTAL REP

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENADOR RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with