Pagdating ni GMA sa DFA sasalubungin ng kilos-protesta

Sasalubungin ng kilos-protesta ang nakatakdang pagdating ngayon ni Pangulong Arroyo sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) bilang pagsisimula ng kanyang panunungkulan kapalit ni Vice President Teofisto Guingona Jr. matapos na maging epektibo ang pagbibitiw nito kahapon.

Sa panayam sa tagapagsalita ng grupong Migrante na si Poe Gratela, umaga pa lang ay magmamartsa na sila patungo sa DFA building.

Ayon kay Gratela, kukuwestiyunin nila ang uupong bagong kalihim ng DFA kung may magagawa ito lalo na sa mga overseas Filipino workers partikular iyong may mga kinakaharap na mga kaso sa Saudi Arabia na nakatakda umanong bitayin. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments