Mga 'hayop' usa sa gobyerno
July 13, 2002 | 12:00am
Nauuso na umano ang mga hayop sa gobyerno matapos na maging kontrobersiyal ang ginawang pagtawag ni Pangulong Arroyo ng "anay" kay Boy Saycon ng COPA dahil isa umano ito sa sumisira sa kanyang administrasyon.
Subalit hindi ito ang unang pagkakataon na ikinumpara ng isang Pangulo sa hayop ang isang opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay walang nagagawang mabuti para sa kanilang gobyerno.
Noong panahon ni dating pangulong Aquino, tinawag naman nitong "langaw" si dating vice president Doy Laurel.
Ayon naman kay dating Presidential Management Staff Leonora de Jesus ang Malacañang ay isang "snake pit" o pugad ng mga ahas kaya napilitan siyang magbitiw sa puwesto.
Samantala, ikinumpara naman ng isang kongresista sa "buwaya" ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso.
At kung may buwaya, mayroon ding baboy sa Kongreso dahil ang pondo ng mga kongresista ay tinatawag na "pork barrel."
Sinabi naman ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Teodoro Casino na panahon na para magsagawa ng "pest control" rallies upang mawala na umano ang mga peste sa pamahalaan.
Idinagdag ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na hindi lamang sa anay dapat linisin ni Arroyo ang kanyang administrasyon kundi sa mga ahas at buwaya. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended