^

Bansa

Janjalani isunod na - GMA

-
Matapos mapatay si ASG spokesman Abu Sabaya, iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo na isunod na ang iba pang lider ng Abu Sayyaf na sina Khadaffy Janjalani, Abu Sulaiman, Isnilon Hapilon, Hamsi Raji Sali at lahat ng mga kampon nito.

Ayon sa Pangulo, kailangang matahimik na ang Mindanao laban sa panggugulo ng Abu Sayyaf.

Iginiit rin kahapon ni National Security Adviser Roilo Golez na wala nang duda ang Malacañang na patay na si Sabaya.

Sinabi ni Golez na lumabas na ang lahat ng indikasyon at ang kulang na lang ay ang katawan ni Sabaya.

Ayon kay Golez, kabilang sa pinagbatayan ng pamahalaan sa pagkumpirmang patay na si Sabaya ay ang mga deklarasyon ng sundalo na nakabaril at sinuportahan ito ng mga arestadong miyembro ng Sayyaf na kasama mismo ni Sabaya sa pump boat.

Hindi anya dapat pang pag-usapan ang anumang pagdududa sa pagkamatay ni Sabaya. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABU SULAIMAN

AYON

ELY SALUDAR

GOLEZ

HAMSI RAJI SALI

ISNILON HAPILON

KHADAFFY JANJALANI

SABAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with