^

Bansa

Chief ng Tarlac terrorists tinutugis

-
TARLAC CITY - Target ngayon ng isinasagawang pagtugis ang isang Islamic teacher dito matapos siyang ituro ng isang naarestong suspected terrorist bilang lider ng mga terorista na may misyong maghasik ng kaguluhan sa siyudad na ito.

Gayunman, sa isinagawang pagsalakay sa umano’y terrorist training camp ng grupo sa Sitio Dueg, Barangay Maasin sa bayan ng San Clemente ay nabigo ang mga awtoridad na mahuli si Abdurakman Abdul Quirante.

Naaresto sa ginawang raid ang hinihinalang terrorist na si Feliciano delos Reyes, 38, alias Abubakar, tubong Barangay Arco sa Lamitan, Basilan, at ang 13-anyos na batang lalaki na di kinilala na umano’y nirecruit ni Quirante.

Si Quirante ay positibo ring itinuro nang isa pang umano’y terorista na si Dexter Mayuno, 20, isang estudyante at tubong Ipil, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Mayuno, si Quirante ang kanilang group leader sa Tarlac na nag-utos sa kanila na maghagis ng granada sa commercial establishments at iba pang pampublikong mga lugar noong May 1.

Nasakote si Mayuno kasama ang anim iba pa matapos makipagbarilan sa Barangay San Nicolas sa siyudad na ito noong madaling-araw ng Labor Day. Napatay sa encounter ang isang Khalid Amir, habang lima pa ang nakatakas.

Sa tactical interrogation, inamin ni Mayuno na kasapi siya sa grupong Haraka (The Movement). Isang nagngangalang Sheik Hamod, Saudi national na nakabase sa Barangay Mal-ong sa bayan ng Anda, Pangasinan ang itinuro nitong lider ng Haraka.

Gaya ni Quirante, si Hamod ay pakay din ng malawakang manhunt ng pinagsanib na puwersa ng police at military elements.

Ang pag-amin ni Mayuno ay nagresulta para salakayin ang isang Islamic school sa Anda, kung saan anim na suspected terrorists ang naaresto at nakakumpiska ng highpowered firearms.

Hinihinala ng mga awtoridad na ang Islamic schools sa Anda ang main headquarters ng Haraka. (Benjie Villa)

vuukle comment

ABDURAKMAN ABDUL QUIRANTE

BARANGAY ARCO

BARANGAY MAASIN

BARANGAY MAL

BARANGAY SAN NICOLAS

BENJIE VILLA

DEXTER MAYUNO

HARAKA

MAYUNO

QUIRANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with