^

Bansa

Pangako ni GMA, mapapako

-
Inihayag kahapon ng oposisyon na walang maipatutupad na pangako si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa masang Pilipino na pauunlarin ang kanilang kabuhayan dahil mas kinilingan ng Palasyo ang dikta ng International Monetary Fund sa pagtitipid ng public spending.

Ito ang reaksyon ni Senador Luisa Ejercito Estrada, sa mga binitiwang pangako ni Arroyo sa mga mahihirap tuwing magpupunta sa squatters area.

Pinayuhan ni Estrada si Arroyo na itigil ang panloloko sa mahihirap dahil hindi mangyayari ang pangako nitong maglalaan ng malaking badyet sa social services at lilikha ng hanapbuhay.

"Paano matutupad ni Mrs. Arroyo ang pangako nitong lumikha ng hanapbuhay at paunlarin ang kabuhayan kung binawasan, sa halip na itaas ang public spending sa labor-intensive sectors tulad ng socialized housing at rural infrastructure. Walang laman ang pangako niya na layunin na paasahin lamang ang mahihirap na magkaroon sila ng magandang kabuhayan sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo" giit ni Senador Estrada.

Samantala, nagbabala si Senator Teresa Aquino Oreta na madadagdagan ang bilang ng walang hanapbuhay sa ating bansa kundi kikilos si Arroyo na mapigilan ang pagbabawas ng dayuhang manggagawa sa anim na bansa.

Sa nakalap na impormasyon ni Oreta, nagbabalak magbawas ng OFW’s ang bansang US, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at Qatar. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ARROYO

INTERNATIONAL MONETARY FUND

MRS. ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RUDY ANDAL

SAUDI ARABIA

SENADOR ESTRADA

SENADOR LUISA EJERCITO ESTRADA

SENATOR TERESA AQUINO ORETA

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with