^

Bansa

Chief fotog ni GMA sinuspinde

-
Sinuspinde kahapon ni Press Secretary Noel Cabrera ang chief photographer ni Pangulong Arroyo na si Jerry Carual kaugnay ng mga reklamo ng mga tauhan nito.

Batay sa nilagdaang petisyon ng 25 empleyado mula sa kabuuang 27 tauhan na pinangangasiwaan nito ay marami umanong kalokohang ginagawa ang kanilang hepe.

Kabilang dito ang umano’y ginagawang motel ang tanggapan kung saan ay nagdadala ng babae sa opisina at ang pamimigay umano ng mga litrato ng Pangulo sa mga Fil-Chinese businessmen na may kapalit na halaga na pawang pinabulaanan ni Carual.

Kasabay nito ay bumuo ng 3-man investigating panel si Cabrera sa pangunguna ni Press Undersecretary Carmen "Tita Ching" Suva. Binigyan niya ng isang linggo ang komite para tingnan ang bigat ng reklamo at ang naging tugon ni Carual upang siyang batayan ng rekomendasyon sa nasabing kaso.

Nilinaw ni Cabrera na ang suspensiyon kay Carual ay habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanyang kaso. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

BATAY

BINIGYAN

CABRERA

CARUAL

ELY SALUDAR

JERRY CARUAL

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY NOEL CABRERA

PRESS UNDERSECRETARY CARMEN

TITA CHING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with