^

Bansa

2 Indonesian terrorist nakatakas na

-
Nakatakas na sa bansa ang dalawang Indonesian terrorist na kasamahan ng naarestong si Fathur Al-Ghouzi, ang itinuturong utak sa madugong Rizal Day bombing na umano’y may koneksiyon sa Al-Qaeda terrorist network ni Saudi billionaire Osama bin Laden.

Inamin kahapon ni PNP Chief, P/Director Gen. Leandro Mendoza na may natanggap silang ulat na ang dalawang Indonesian nationals na hinahanap nila dahil pinaniniwalaang konektado sa grupo ni bin Laden at kasamahan ni Al-Ghouzi ang nagawang makapuslit palabas ng bansa.

Dahil dito, iniatas ni Mendoza ang agarang pakikipag-ugnayan ng mga tauhan ng PNP sa Indonesian Police upang kumalap ng impormasyon tungkol kay Fathur Al-Ghouzi.

Samantala, nakatakda ring makipagkita kay Mendoza ang 40 Indonesian police para pag-usapan ang ilang mahahalagang detalye sa nadakip na si Al-Ghouzi at magpalitan ng impormasyon hinggil sa teroristang grupo nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AL-GHOUZI

AL-QAEDA

DAHIL

DIRECTOR GEN

FATHUR AL-GHOUZI

INDONESIAN POLICE

JOY CANTOS

LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

RIZAL DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with