Nida murder case hiwaga pa rin- NBI
November 12, 2001 | 12:00am
Nahihiwagaan pa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa umanoy "perfect crime" sa ginawang pagpatay sa beteranang aktres na si Nida Blanca, 65, (Dorothy Jones sa tunay na buhay) noong Miyerkules.
"Napakahirap na lutasin ang isang krimen na talagang pinagplanuhan ng husto" pag-amin ni NBI Director Reynaldo Wycoco.
Nakakalap na ang mga nag-iimbetiga sa kaso ng ibat ibang anggulo at ang footage ni Blanca at ang mga kasamahan nito nang ito ay pumasok sa Casino Filipino na posibleng makatulong sa paglutas sa brutal na pagpatay sa aktres.
Ayon sa NBI na posibleng nakasalo sa pagkain at kalaro pa ni Blanca ang suspek sa Casino Filipino bago ito ay natagpuang patay sa likuran ng kanyang kotse sa ika-6 na palapag ng Atlanta Centre building sa Annapolis St., Greenhills, San Juan.
Hinihinala din na pera ang posibleng naging dahilan kung bakit brutal na pinatay si Blanca, ayon sa NBI.
Napag-alaman din ng NBI na bago pinatay si Blanca ito ay pumirma sa isang dokumento na nagsasaad na ang lahat ng kanyang mga ari-arian ay mapupunta lang sa kanyang nag-iisang anak na si Kaye.
Pinagtutuunan din ng NBI ang anggulong ito na umano ay sobrang napakaselan.
Samantala dinalaw ni dating Pangulong Joseph Estrada ang burol ni Blanca kamakalawa ng gabi sa White Plains sa Quezon City.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na si Estrada na dati ring artista at nakatambal ni Blanca ay pinayagan ng korte na lumabas sa kanyang pinagkukulungan bukod ang pagdadalo nito sa pagdinig ng kanyang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended