^

Bansa

De Castro kumbinsido sa pahayag ng mga saksi ni Fr

-
Malaki ang paniniwala ni Senador Noli De Castro na mayroong loopholes kundi man dinoktor ang mga pahayag ng militar sa isinagawang ikatlong pagdinig ng senado kaugnay sa iniimbestigahang sabwatan ng Abu Sayyaf Group (ASG) at militar sa Lamitan, Basilan.

Ayon kay Sen. De Castro, kumbinsido siya sa pahayag ng dose-dosenang saksi na humarap sa ikatlong pagdinig ng senate committee on national defense and security na pinamumunuan ni Senator Ramon Magsaysay, Jr. na nagbigay ng linaw sa katanungan sa iniimbestigahang usapin.

Aniya, sa ginawang pag-amin ng militar sa isinagawang pagdinig ng senado dahil sa pagkakaroon nila ng operational lapse kaya nalusutan sila ng bandidong ASG ay lalong naging kaduda-duda ang mga hakbang nito upang mayroon silang pagtakpan.

Idinagdag pa ng senador, matapos iharap ni Fr. Cirilio Nacorda ang kanyang dose-dosenang testigo sa ikatlong pagdinig ng senado ay sinuportahan ng mga ito ang naging akusasyon ng pari kaugnay sa pagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng ASG at AFP sa naganap na krisis sa Lamitan, Basilan noong July 1-2.

Tahasang sinabi ng nurse na si Fe Castro ng Lamitan District hospital na nakita niya si Gen. Romeo Dominguez na binigyan ng isang attache case na naglalaman ng pera na pawang P1,000 bill nang denomonitations kung saan limang piraso nito ang iniabot kay Dr. Julius Cesar Aguila, hospital director, bilang panggastos sa mga ginagamot umanong sundalo.

Iginiit din ng isang saksi na kaswal lamang na naglakad palabas ng pinto ng Dr. Jose Torres Memorial Hospital ang construction magnate na si Reghis Romero, Divine Montealegre kasama ang batang si RJ Recio noong July 2 ng umaga. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

CIRILIO NACORDA

DE CASTRO

DIVINE MONTEALEGRE

DR. JOSE TORRES MEMORIAL HOSPITAL

DR. JULIUS CESAR AGUILA

FE CASTRO

LAMITAN

LAMITAN DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with