^

Bansa

20% tax sa mga artista, atleta umpisa sa Sept.1

-
Epektibo na sa Setyembre 1 ng taong ito ang pagpapatupad ng 20 porsiyentong withholding tax na kokolektahin sa mga artista, basketball players at iba pang atleta sa bansa.

Sinabi ni Aida Simborio, information officer ng Bureau of Internal Revenue, matagal na umano itong kautusan ng ahensiya alinsunod sa memorandum, 06-2001 subalit ngayon lamang maipatutupad matapos aprubahan ng Department of Finance.

Binigyang diin ni Simborio na ang hakbang ay bilang pagtatama lamang sa buwis na dapat kolektahin ng pamahalaan sa nabanggit na mga taxpayer.

Hindi kasama sa naturang direktiba ang mga doctor na sobra rin ang laki ng kita at gayundin ang mga abogado na sinasabing isa sa mga tumatabo ng salapi sa bawat taon.

Umaabot sa P388 milyon ang target collection ng BIR ngayong 2001 at isa ang mga artista at atleta sa inaasahang makakapagpapataas sa koleksiyon ng BIR sa taong ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AIDA SIMBORIO

ANGIE

BINIGYANG

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CRUZ

DEPARTMENT OF FINANCE

EPEKTIBO

SETYEMBRE

SIMBORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with