^

Bansa

Arms cache nasamsam sa Abu supporters

-
Daan-daang mga bala ang nasamsam ng magkakasanib na elemento ng pulisya at militar matapos salakayin ang arsenal ng mga bala ng isang supporter ng mga bandidong Abu Sayyaf sa isinasagawang operasyon sa Davao del Sur kamakalawa.

Ito ay matapos ikanta ng nahuling lider ng Abu Sayyaf na si Nadzmie Sabdullah alyas Kumander Global, chief of staff ng mga bandido, ang isang Hadji Asis Mocsin, isang hinihinalang taga-suporta ng Abu Sayyaf na siyang nagtatago ng armas ng kanilang grupo.

Sa bisa ng search warrant ay nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng 25th Infantry Batallion ng 601st Brigade sa ilalim ni Maj. Glorioso Miranda at Malita PNP sa bahay ni Mocsin na nasa Sitio Balas, Bgy. Mana, Malita sa nasabing lalawigan.

Kabilang sa mga nasamsam na armas sa bahay ni Mocsin ay isang kalibre .30 machine gun, crew-served weapon at daan-daang piraso ng bala para sa iba’t ibang uri ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BGY

GLORIOSO MIRANDA

HADJI ASIS MOCSIN

INFANTRY BATALLION

JOY CANTOS

KUMANDER GLOBAL

MALITA

MOCSIN

NADZMIE SABDULLAH

SITIO BALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with