^

Bansa

MILF troops tutulong na rin sa pagtugis sa Sayyaf

-
Isang araw matapos mangako ang Moro National Liberation Front (MNLF) na isasabak ang may 3,000 tauhan nito laban sa Abu Sayyaf sa Basilan ay nagpahayag rin ng determinasyon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong sa pagtugis sa grupo ng mga bandido na sumisira sa relihiyong Islam.

Nabatid na tinatayang libong bihasang mandirigma ng MILF ang tutulong sa puwersa ng militar para tugisin ang mga bandido.

Kinumpirma ni MILF vice chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na nagdeploy na sila ng special team sa Basilan para alamin kung anong armed groups ang gumagamit sa MILF at nagsasabing tumutulong sa Abu Sayyaf.

Sinabi ni Jaafar na hindi nila nagugustuhan ang ginagawang paglabag sa relihiyong Islam ng grupo nina ASG leader Khadaffy Janjalani at ASG spokesman Abu Sabaya.

Ito na rin umano ang pagkakataon para patunayan ng kanilang grupo sa pamahalaan na walang katotohanan ang ipinalabas na intelligence report ng militar na sinusuportahan ng kanilang grupo ang ASG. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

BASILAN

ISANG

JOY CANTOS

KHADAFFY JANJALANI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

POLITICAL AFFAIRS GHADZALI JAAFAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with