^

Bansa

Lasengo

-
Maraming pagkakataon umano na dahil sa kalasingan ay sa club na natutulog si Erap. Kung minsan naman umano ay bubuhatin na ito nina Chavit at iba pang mga kasama para dalhin sa kotse. Kung minsan umano ay sumusuka ito dahil sa kalasingan. Malakas umanong uminom si Erap subalit kapag nalasing ay parang tinibang punong saging na nakabulagta. Hindi na maaaring gisingin pa at kung magising ay magsisigaw na kung anu-ano ang sinasabi.

Nang maging senador si Erap noong 1987 ay naging congressman naman sa Ilocos Sur si Chavit. Hindi nabago ang tibay ng kanilang pagkakaibigan. Madalas pa ring bisita ni Erap si Chavit sa bahay nito sa San Juan. Kung birthday ni Erap ay hindi kinalilimutang puntahan ni Chavit at dinadalhan umano niya ng regalo. Kung minsan ay leather jacket umano ang dinadala ni Chavit. Alam ni Chavit kung saan at kung paano kikilitiin si Erap.

Nang maging Vice President si Erap noong 1992 ay lalo nang naging malapit sa isa’t isa sina Chavit at Erap. Kapag pumupunta siya sa bahay nito sa San Juan ay hindi kumukupas ang nakagawian na nilang pag-iinuman at pagmamadyong. Ayon kay Singson madalas din silang mag-nightclub. Kapag birthday umano ni Erap ay madalas sila sa Club 419. Mas maingay at mas masaya sila sa club na iyon. Nagkakantahan sila roon. Malayang-malaya. Hindi na nakapagtataka sapagkat ang club na iyon ay pag-aari ni Erap. Kung matatandaan sa Club 419 na iyon nabaril at napatay ang basketall player na si Arnold Tuadles ni Ambeth Antonio habang nagsusugal. Karamihan sa mga nagpupunta roon ay mga bigating tao na pawang may koneksiyon kay Erap. Doon din umano sa club na iyon nakilala ni Erap ang isa sa mga babae nito na si Joy Melendrez.

Nang maging Presidente si Erap noong 1998 ay lalo nang naging madalas si Chavit sa Malacañang. Kabilang si Chavit sa ‘‘midnight cabinet’’ ni Erap.

Ayon kay Chavit, naging mahigpit si Erap nang maging Presidente at marami ang hindi basta-basta nakapapasok sa Malacañang. Maski ang mga senador at congressman ay hindi basta-basta nakapapasok. Minsan daw ay nagtungo sa Malacañang si Sen. Ramon Revilla. Subalit hindi ito pinapasok ni Erap. (Itutuloy)

AMBETH ANTONIO

ARNOLD TUADLES

AYON

CHAVIT

ERAP

KUNG

MALACA

NANG

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with