Rating ni Erap unti-unting bumabagsak
December 4, 2000 | 12:00am
Bahagyang bumaba sa nagdaang dalawang linggo at umabot sa zero percent noong Biyernes ang net performance rating ni Pangulong Joseph Estrada.
Ito ang lumitaw sa survey ng Pulse Asia na ginawa mula noong Nobyembre 16 hanggang Disyembre 1. Kinomisyon ng Star Group of Publications ang naturang survey.
Sinabi ni political analyst at Pulse Asia President Felipe Miranda na ang iskandalo sa suhol sa jueteng ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng rating ni Estrada na haharap sa paglilitis sa kaso nitong impeachment simula sa Disyembre 7. Inaasahan din ni Miranda na maaaring magbago ang rating ni Estrada habang isinasagawa ang paglilitis depende sa magiging proseso nito.
Batay sa survey na ginawa sa may 700 residente ng Metro Manila, nagkaroon si Estrada noong Nobyembre 16 ng +11 percent performance rating. Pero nagsimula itong bumaba sa +8 percent noong Nobyembre 19 hanggang sa maging -4 percent noong Nobyembre 30.
Sinasabi pa sa survey na bagaman parehong 41 porsiyento ang bilang ng mga pabor at kontra kay Estrada, 47 porsiyento ang hindi pabor na magbitiw ang Pangulo samantalang 36 porsiyento ang sang-ayon na dapat na itong umalis sa Malacañang.
Malugod namang tinanggap kahapon ng Malacañang ang survey. Sinabi ni National Security Adviser Alexander Aguirre na ang mahalaga sa Malacañang ay mayroon pa ring sumusuporta sa Pangulo sa gitna ng krisis sa bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended