^

Punto Mo

Imago (57)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA gitna ng dilim, kinapa ng kamay ni Maya ang pader hanggang sa maramdaman niya ang isang malapad na bakal na pinto: Storage Room C.

Ito na ‘to. Bulong ni Maya. Inalis niya ang kumpol ng mga susi na nakatago sa kanyang bulsa. Sa itaas, naririnig niya ang mga yabag ng paa ng lalaki na totoong may-ari ng mga susing hawak niya. Palapit na ng palapit ang yabag sa direksiyon ng hagdanan kung saan siya dumaan para makarating sa ki­naroroonan niya ngayon.

Dahil dito, na­nginginig ang mga daliri ni Maya habang ginagamit ang kanyang pakiramdam upang isa-isahing isuksok ang mga susi.

Ang unang susi: ­masyadong malaki. Hindi pumasok.

Ang ikalawang susi: pumasok, ngunit ayaw umikot.

Bumibilis ang yabag ng mga bota at tila malapit na ito sa hagdan pababa. Pinagpawisan ang kanyang mga palad. May nakapa siyang isang susi na mas maliit at may kakaibang hugis. Nang susubukan na niya ito, humulagpos ang buong kumpol ng susi mula sa kanyang kamay.

KLANG!

Umali­ngawngaw ang matinis at napakalakas na kalansing ng bumagsak na bakal sa sementadong sahig ng makipot na pasilyo. Tumigil ang mga yabag sa itaas ng hagdanan. Sa gitna ng muling paghahari ng katahimikan, nanalangin si Maya na sana’y walang nakarinig. (Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with