^

Punto Mo

Tips for all Seasons

DIKLAP - Ms. Anne - Banat

Kapag nakikipagtalo, basta’t nasabi mo na ang iyong katwiran, itigil mo na ang pagsasalita at manahimik.

Kunan ng picture ang bag/maleta na may tag gamit ang iyong cell phone bago mag-check-in sa airport. In case na mawala ito, gamitin ang photo para madaling mahanap ng airport staff.

Ang lalaking mas inuuna ang pambababae kaysa career ay nagwawakas ang buhay sa palpak na pag-ibig at career. Samantalang ang lalaking inuuna ang career kaysa babae ay nagtatagumpay sa parehong nabanggit. Kasi ang matitino at mahuhusay na babae ay kapareho nilang successful ang hinahanap na lalaki.

Sore throat? Bumili ng ready-to-eat gelatin. Tunawin ito sa microwave ng 30 seconds. Haluan ng honey. Kapag hinigop mo ang tunaw at maligamgam na gelatin, ito ay didikit sa iyong lalamunan. Ang honey ay may antimicrobial properties na papatay sa bacteria na nagpapasakit sa iyong lalamunan.

Kung pinaghihinalaan mong may nakatingin at nag-oobserba sa iyo, umarte kang kunwa’y humihikab. Kapag siya ay humikab, ikaw nga ang tinitingnan niya. Nakakahawa kasi ang hikab.

Ang pag-inom ng ice water ay nakakatunaw ng one calorie per one cup water.

Ayon sa NASA, National Aeronautics and Space Administration, hanggang 26 minutes ang tamang itinatagal ng pag-idlip.

Ayon sa sleep psychologists, mas magiging mahimbing ang pagtulog kung kayakap mo ang iyong mahal.

Nakakabawas ng depresyon kung ang mga sama ng loob ay ikukuwento mo sa nagmamalasakit na kaibigan.

vuukle comment

AYON

BUMILI

HALUAN

KAPAG

KASI

KUNAN

NAKAKABAWAS

NAKAKAHAWA

NATIONAL AERONAUTICS AND SPACE ADMINISTRATION

SAMANTALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with