^

Banat Opinyon

EDITORYAL - PNP, linisin sa ilegal na droga

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - PNP, linisin sa ilegal na droga

IPINAHAYAG mismo ni President Ferdinand Marcos Jr. na 177 officials at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang sinampahan ng kaso dahil sa illegal drugs. Ayon kay Marcos ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at tauhan ay nagpapatunay lamang na seryoso ang kanyang pamahalaan na lupigin ang bawal na droga sa bansa. Hindi umano nagbabago ang kampanya ng pamahalaan sa paglaban sa illegal drugs.

Ayon sa Presidente, pawang mga pulis sa National Capital Region (NCR) ang mga kinasuhan. Karaniwang kaso nila ay nagtanim ng ebidensya, illegal na pag-aresto at marahas na aksyon sa anti-illegal drugs campaign. Inihayag din ni Marcos na 151,818 ang mga kasong may kinalaman sa droga na nililitis sa mga korte. Nasa 121,582 na mga indibidwal naman ang nakakulong dahil sa illegal drug trade.

Ang inihayag ni Marcos na 177 opisyales at mga tauhan ng PNP ang sinampahan ng kaso ukol sa droga ay nagdudulot ng pangamba sapagkat hindi pala ligtas ang mamamayan. Ang inaakala nilang magpuprotekta at magtatanggol ay mga sangkot pala sa droga. Sino pa ang mangangalaga sa kaayusan sa komunidad kung ang mismong mga pulis ang nagpapakalat ng droga? Ngayon tumitibay at nagkakatotoo ang hinala na kaya hindi maubus-ubos ang illegal na droga, partikular ang shabu ay dahil mga pulis mismo ang nagdi-distribute nito. Nire-recycle nila ang mga nakukumpiskang droga.

Isa sa pinakamalaking drug haul sa kasaysayan ng PNP ay ang 1 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon na nakumpiska sa isang pulis na miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) noong Okt. 7, 2022 sa Tondo, Maynila. Nakilala ang pulis na si MSgt. Rodolfo Mayo. Dalawang pulis na miyembro ng raiding team ang “nagnakaw” ng 20 kilo ng shabu. Sinibak naman ang mga opisyal at miyembro ng PDEG dahil sa cover-up ng nakumpiskang shabu. Maaring ang mga ito ang sinabi ni Marcos na kinasuhang police officials at tauhan.

Nooong Agosto 2023, siyam na pulis ang puwersahang pumasok sa bahay ng babaing senior citizen sa Imus, Cavite at pinagnakawan. Inakusahan ng mga pulis na sangkot sa illegal drugs ang senior citizen. Winasak ng mga pulis na pawang naka-civilian clothes ang pinto ng bahay. Wala rin silang search warrant nang halughugin ang bahay. Bago umalis, maraming tinangay na gamit ang mga pulis—gulong ng motorsiklo, helmet, bag, relo, cell phone at iba pang gadgets. Nakunan ng CCTV ang ginawa ng siyam na pulis. Sinibak na sa puwesto ang mga pulis.

Marami pang opisyal at mga tauhan ng PNP ang sangkot sa droga. Maaaring maliit pa ang numero na sinabi ng Presidente na kinasuhan dahil sa droga. Dapat paigtingin pa ang paglilinis sa PNP na may kinalaman sa illegal drugs.

ILLEGAL DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with