^

Metro

200 miyembro ng SELDA at SENTRO nag-rally vs Prime Water

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos protesta ang nasa 200 miyembro ng mga grupong Small Entrepreneurs for Livelihood Development Association (SELDA) at Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Mang­gagawa (SENTRO) sa harap ng Las Piñas Hall of Justice matapos umanong mabigong mahanap ang tanggapan ng PrimeWater sa nakalistang address nito sa lungsod.

Ayon kay Jonathan Chua, tagapagsalita ng grupo, nagtungo sila sa isang gusali sa Philamlife Village, Las Piñas City upang ihain sana ang libu-libong reklamong may kaugnayan sa madalas na pagkawala ng tubig, mahinang water pressure, kwestiyonableng paniningil, at mga usapin sa kalidad ng serbisyo. Pero sinabi umano sa kanila ng mga tauhan sa lugar na matagal nang wala roon ang opisina ang PrimeWater.

Dahil dito, kinuwestiyon ng mga nagprotesta ang umano’y hindi updated na address na nakalathala para sa kumpanya at kung paano makapaghahain ng reklamo ang mga mamimili kung wala na pala itong operasyon sa naturang lokasyon.

SELDA

SENTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with