^

Kutob

Enero 26, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Gaano man karami ang bayarin, malalampasan din. Sapat ang pagpapala ng Diyos kung ang pagsisikap ay laging may kalakip na katapatan at pagtitiwala sa Kanya.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Magiging positibo ang pag-iisip na malaking tulong sa lahat ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas, na nagsilbing aral. Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na mauulit. Magiging maunlad kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at lemon green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Taglay mo ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit na makulit o makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 28 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Ang pagpapasensiya ay maglalayo sa’yo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang munting suliranin ninyo ng minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maganda ang pa­latandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Capricorn ang makikilala ngayon, tiyak magkakaroon ng relasyon at magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o mangungutang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Tanggapin ang pagkakamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga na magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo ng kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Madaling pakitu­nguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isip mo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin para malaki ang tsansang matanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Maging positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay6 17, 26, 30, 42 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang isipan para matapos ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Pairalin ang kahinahunan at pang-unawa dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensiya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang ma­ngako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at red.

KUTOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with