^

Probinsiya

Dagongdong, pagdaloy ng lava patuloy sa Bulkang Mayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dagongdong, pagdaloy ng lava patuloy sa Bulkang Mayon
Phivolcs released footage of strombolian activity and lava effusion from the Mayon Volcano summit crater recorded at 12:15 AM, 12:36 AM, 03:12 AM, and 04:08 AM on July 14, 2026.
Facebook/Phivolcs

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglikha ng dagondong sa Bulkang Mayon sa Bicol habang may nagaganap na pagdaloy ng lava sa bulkan sa nakalipas na 24 oras, ayon sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang pagbuga ng lava ay naitala sa may Basud, Bonga at Mi-isi gullies kasabay ng naita­lang 180 volcanic earthquakes kabilang ang 13 volcanic tremors na may isa hanggang 25 minuto ang haba.

Nagtala rin ang bulkan ng 185 rockfall events at 18 pyroclastic density current signals o uson at pagluwa ng nasa 3,748 tonelada ng asupre at pagsingaw na nasa 1,800 metrong taas mula sa bunganga ng bulkan na napadpad sa timog-timog-silangan at pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng  anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang aircgraft sa itoktok ng bulkan dahil sa banta ng pagguho ng bato, pagtilapon ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok at agos ng lahar kung may matinding pag-ulan doon.

Ang Bulkang Mayon ay nasa ilalim ng alert level 3 o ibig sabihin ang bulkan ay may mataas na aktibidad na nagbabadya ng malakas na pagputok.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with