^

Probinsiya

Patay sa Mindanao magnitude 7.8 quake, pumalo na sa 45

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patay sa Mindanao magnitude 7.8 quake, pumalo na sa 45
Comedian-host Melai Cantiveros took to social media to share that her family is safe in her hometown, General Santos City, after a magnitude 7.8 earthquake jolted Mindanao on June 8, 2026.
Instagram/Melai Cantiveros

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 45 ka­tao ang naitalang na­sawi sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao, ayon sa opis­yal ng Office of Civil De­fense (OCD) nitong Miyerkules.

“As of 6 a.m., 45 na ang casualties na recor­ded sa atin... Karamihan­ sa nadagdag dun sa patay­ ay mula sa Davao Occidental,”  pahayag ni OCD Deputy Adminis­trator Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Kabilang sa 45 nasawi, ayon sa opisyal ay mula sa Davao Region at Soccskargen, kung saan 18 dito ay sa Sarangani, 15 sa South Cotabato, 11 sa Davao Occidental  at isa sa Davao del Sur.

Sinabi ni Bernardo tumaas din ang bilang ng mga nasawi sa 630 katao habang 17 pa ang nawawala at patuloy ani­yang gumagalaw ang nu­mero habang nadaragdagan ang mga report galing sa mga naapektuhang lugar.

Ang 7.8 magnitude ng lindol noong Hunyo 8 ay tumama sa bayba­yin ng bayan ng Maasim, Sarangani at iba pang mga kanugnog na lugar kung saan isa ang General Santos City sa pinakagrabeng naapek­tuhan. Ayon sa opisyal nag­sasagawa na rin sila ng pag-validate sa 17 na­wawalang katao, 13 dito ay mula sa Davao Occidental at apat sa General Santos City.

Sa update naman ng National Disaster Risk Re­duction and Management Council (NDRRMC) nasa 33,596 pamilya o 149,372 katao mula sa 184 Barangays sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) sa Muslim Mindanao ang naapektuhan ng lindol.

Sa nasabing bilang, nasa 8,813 pamilya o 32,464 katao ang nasa 157 evacuation centers­ habang 1,804 pa­milya na katumbas ng 8,973 ka­tao ang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

EARTHQAUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with