^

Balita Ngayon

Parak itinumba sa Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang pulis ang patay sa pananambang ng armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Cotabato City nitong Linggo.

Sakay ng motorsiklo si Police Officer 1 Danilo Sulatre pauwi sa kanyang bahay sa Notre Dame Village nang paputukan siya ng mga suspek gamit ang .45 pistola.

Isinugod kaagad sa ospital si Sulatre ng mga opisyal ng barangay ngunit hindi na siya umabot pa ng buhay.

Si Sulatre ay security escort ni Judge Bansawan Ibrahim ng Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City.

Sinabi ni Senior Superintendent Rolen Balquin, pinuno ng Cotabato City police, inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng mga ito sa pag-atake.

Samantala, noong kamakalawa ay isang retiradong pulis naman ang biniktima ng mga motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat.

Patay kaagad ang 66-anyos na si retired Senior Superintendent Teofilo Kinazo sa loob ng kanyang Toyota Hilux pickup matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek.

Hindi pa rin malaman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

vuukle comment

COTABATO CITY

DANILO SULATRE

JUDGE BANSAWAN IBRAHIM

NOTRE DAME VILLAGE

POLICE OFFICER

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SENIOR SUPERINTENDENT ROLEN BALQUIN

SENIOR SUPERINTENDENT TEOFILO KINAZO

SI SULATRE

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with