^

Balita Ngayon

Army intel operative patay sa pananambang sa Basilan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang Army intelligence operative at sugatan ang kanyang kasamahan nang atakehin nitong Linggo ng mga armadong lalaki sa lungsod ng Lamitan sa Basilan, ayon sa mga pulis.

Nakilala ang nasawing sundalo na si Corporal Richard Jamin at ang kasamahan nitong si Private First Class Joelito Sanchez na kapwa operatiba ng intelligence ng 32nd Infantry Battalion na nakabase sa Lamitan.

Sinabi ni Chief Inspector Almer Ismael, hepe ng Lamitan City Police Station, lulan ng isang motorsiklo ang mga biktima nang atakehin ng apat na armadong lalaki na sakay din ng motorsiklo mga bandang 12:30 ng tanghali ng Linggo sa highway ng Barangay Ubit.

Iba’t ibang tama sa katawan ang natamo ng dalawang sundalo ngunit si Sanchez lamagn ang nakaligtas na dinala sa St. Peter Hospital.

Hinala ng mga pulis ay mga miyembro ng Abu Sayyaf group ang umatake sa mga sundalo.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BARANGAY UBIT

CHIEF INSPECTOR ALMER ISMAEL

CORPORAL RICHARD JAMIN

INFANTRY BATTALION

LAMITAN

LAMITAN CITY POLICE STATION

LINGGO

PRIVATE FIRST CLASS JOELITO SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with